DAHILAN-Autotelic
- Dave & Kate
- Dec 11, 2018
- 1 min read
Updated: Dec 16, 2018

Paghahanap ng rason, ito ang isinasad ng kanta. Mga bagay na hinahanap upang mapunan ang mga pagkukulang.
Pero bakit may mga pagmamahalang nauuwi sa paglisan? Dahil ba nanlamig na? Nakahanap ng iba? O dahil wala nang rason para lumigaya?
Masakit putulin ang relasyong nagbigay sayo ng mundo, pero ano ang gagawin mo kung ang hawak ng kamay nyo ay unti-unti ng dumadausdos at binibitawan ang isa-t-isa. Lalaban ka ba? O hahayaan ang tadhana na lumaban para sa inyong dalawa? Pwede naming ipagpaliban nalang? Pero ano nga ba ang iyong dahilan?
“Bigyan mo ako ng dahilan
Dumudulas na ang mga kamay
Sa dinami-rami ng pinagdaanan
Hindi ko na maintindihan
Hindi ko na maintindihan
Unti nalang ako'y bibitaw
Unti nalang ako'y bibitaw
Unti nalang ako'y bibitaw
Unti nalang, unti nalang
Kathang-isip na lang
Kathang-isip na lang”
Kung pilit mong isinasalba ang pag-ibig niyong nawalan ng rason at dahilan, pakinggan itong kanta
P.S. Mas masarap magdrama kapag umuulan tapos makikita mo ung ex mong kasama yung bago niya.
Kung wala na kasing dahilan, bumitaw na.
Dahilan by autotelic, nagsasawa ka na ba kung nagahahanap ka ng dahilan? Gusto mo na bang kumawala sa pag-ibig kong nagmistulang kadena at pabigat sa mga kamay at paa mo?
ang masakit dito ay yung kailangan mo nang maghanap ng dahilan para magmahalan muli. Hindi ba't ang pag-ibig ay hindi nangangailangan ng dahilan para manatili? :((
Nice👏👏👏👏👏
dati pinapatugtog ko to nung nanlalamig sya sakin hangganh ngayon iniistream ko pa den kahit break na kami baka mahanap ko ung dahilan kung bat sya bumitaw : ((