BALANG ARAW - i belong to the zoo
- Dave & Kate
- Dec 11, 2018
- 1 min read
Updated: Dec 16, 2018

Pakinggan ang kanta kung malungkot at kinakausap mo nanaman ang kawalan, kung nagdadrama ka dahil di ka nya minamahal pabalik. Ganon siguro talaga - may mga pagkakataong ang damdamin ay tila mga boses na pipi na pilit inaabot ng puso nyang nabibingi.
Pero wala tayong magagawa, hindi natuturuan ang puso lalo't kung nagbubulag bulagan ito sa taong hindi ikaw ang pinipili.
"Baka pwede lang kahit isang saglit
Masabi lang na merong konting pagtingin
Baka pwede lang kahit pa pasaring
Sa sarili ko'y magsisinungaling
Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman"
Ano? gusto mo bang masaktan?? Stream Balang Araw, malay mo BALANG ARAW mahalin ka nya pabalik.
P.S. stream Bibingka by Ben&Ben para naman kuwnari may nagmamahal sayo ngayong Pasko.
recommended tong kantang to kung martyr ka sa pag-ibig. sa dinami-dami ng pwedeng matipuan, bat isa lang pinili mo?? madami na sana, ala namang commitment kilig lang yie
hopeless romantic nga naman kung ito ang anthem mo ngayong pasko. Para sa mga umaasa, huwag sanang kayong matakot magmahal muli dahil"ikaw" na binasura niya ay kayang pahalagahan ng tamang tao.
Cool🙌🙌🙌🙌
will try to stream this thing sa susunod na mag senti ako along elyu hehe
Ang sakit talaga ng kantang ito. Mabuhay ang OPM!